DILG Sorsogon, may paalala sa mga Punong Barangay hinggil sa full disclosure board ng mga transakyon para sa transparency

                                                                                                                                 Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Sorsogon sa lahat ng mga barangay sa lalawigan na ilagay sa full disclosure board ang lahat ng transaksyon ng barangay para sa transparency lalo-lalong na ngayong malapit na ang eleksyon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sunod-sunod kasi na reklamo ang ipinapadala ng ilang residente sa Brigada News FM dahil sa umano’y mga anomalya sa kanilang barangay.

Ayon DILG Sorsogon Cluster Head Leandro Gigantoca, may pananagutan ang mga Barangay Officials kapag hindi ang mga ito sinusunod sa full disclosure policy ng DILG.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pinaalalahanan rin ni Gigantoca ang mga residente na dumeretso sa kanilang opisina lalo na kapag walang full disclosure board ang kanilang barangay kung saan binigyang diin nito na laging bukas ang kanilang tanggapan para sa anumang reklamo.