Rank No. 1 MWP ng Sorsogon CPS, arestado

Hinainan na ng kanyang mandamiento de aresto ang No. 1 most wanted person ng Sorsogon City Police Station sa tirahan nito sa Brgy Guinlajon, West District, Sorsogon City.

Inaresto ng operatiba ng PIU ng SPPO, katuwang ang 1PMFC at Sorsogon CPS ang 21-anyos na si Jobert Lagco Lacdang alias Bobet, binata at naninirahan sa nasabing lugar.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ang akusado ay nasasakdal sa kasong frustrated murder kung saan ang warrant of arrest ay ipinalabas ng RTC Br 51, Sorsogon City.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ipinataw ng korte sa akusado ang piyansang P200K para sa pansamantalang kalayaan nito.

Ang akusado ay naibalik na sa kanyang court of origin.