DILG: Prevention, at di ang contact racing ang “weakest link” sa COVID response

Naniniwala ang isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government na ang faulty prevention efforts at hindi ang contact tracing — ang weakest link sa laban ng bansa kontra sa COVID-19.

Una nang sinabi ni Baguio City mayor at Contact Tracing czar Benjamin Magalong na ang contact tracing ang weakest link sa “pillars” ng pandemic response ng gobyerno.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Pero ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, ang detection efforts ng bansa na kinabibilangan ng contact tracing, ay nasa “good position” sa gitna na patuloy umano ang pagdagdag ng DILG ng contact tracing units.

Sa katunayan, nitong buwan lang, lumagda ang DILG, Labor and Employment, at ang Metropolitan Manila Development Authority ng kasunduan para sa pag-hire, training, at deployment ng 5,754 contact tracers sa loob ng tatlong buwan na sinimulan ngayon Mayo.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sa huli, umapela si Malaya sa publiko na sumunod sa health at safety protocol gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields, at physical distancing para mabawasan na tsansa na mahawa sa COVID-19. // MHEL PACIA