6,385 bagong kaso ng COVID-19; Active cases, higit 55,000 pa

Sumampa pa sa  1,124,724 ang kabuoang kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa, matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 6,385 na mga bagong infections.

Dahil dito, sinabi ng DOH na bahagyang tumaas ang active cases sa 55,260, kung saan 93.3% ang mild, 2.2% ang asymptomatic, 1.9% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, 4,289 pang mga pasyente ang nakarekober mula sa respiratory disease, dahilan para tumaas ang total recoveries sa 1,050,643, habang 107 pa ang naidagdag na bagong fatalities, dahilan para sumipa ang death toll sa 18,821.

Sa kabilang dako, inihayag ng DOH na batay sa datos 61% ng intensive care unit beds sa bansa ay ocupied, habang 41% ng mechanical ventilators ay gamit narin. // MHEL PACIA