DOLE, ubos na ang pondo para sa pandemic-hit workers

Ubos na umano ang pondo ang Department of Labor and Employment para suportahan ang mga manggagawa na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Assistant Secretary Dominique Tutay, ginagamit na ngayon ng ahensya ang kanilang regular budget, dahil ang inilaang pondo para sa displaced informal workers sa ilalim ng Bayanihan 2 ay ubos na.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Mababatid na sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), tumanggap ang DOLE ng P16-billion para sa kanilang cash assistance at temporary wage employment para sa mga displaced formal at informal workers, maging para sa mga overseas Filipino workers o ang tinawag na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD). 

Kaugnay nito, naglaan ang DOLE ng P7.4 billion para sa formal workers, P4.9 billion para sa informal workers, at P1.8 billion para sa mga OFWs.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dagdag ni Tutay, mahigit isang milyong manggagawa na sa informal sector ang nakatanggap ng suporta, habang 1.25 million formal workers at 500,000 OFWs ang nakabenepisyo mula sa mga programa ng DOLE. // MHEL PACIA