Iginiit ni Senador Francis Tolentino na hindi niya ipinagbabawal ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) generated images sa mga campaign poster at paraphernalia.
Ngunit binigyang-linaw niya na hindi dapat magdala ng confusion o panlilinlang sa mga botante ang paggamit nito.
Dagdag pa niya, tiwala siyang malaki ang maitutulong ng AI kahit ito ay nasa infancy state pa lamang.
Samantala, sinang-ayunan naman ni Tolentino ang pahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner, Rey Bulay na dapat pangalagaan ang halaga ng “truth in advertising” lalo na ngayong eleksyon.