DILG: LGU execs na bigong magpapatupad sa mass gathering rules, makasuhan

Nagpaalala ang Department of Interior and Local Government na makakasuhan ang mga local chief executives na bigong magpapatupad ng mga regulasyon kaugnay sa mass gatherings.

Ayon kay Secretary Eduardo Año, nagpalabas ang DILG ng Memorandum Circular No. 2021-050 na nagpapaalala sa lahat ng mga heads ng local governments, na sila ay mapaparusahan sakaling madiskubreng lumabag sa prohibitions sa ilalim ng omnibus guidelines on community quarantine implementation ng IATF, kung saan saklaw ang public at mass gatherings.

Read More:  President Bongbong Marcos trust surge stuns critics as SWS, Stratbase show 10-point spike despite controversy and unrest

Sa ilalim ng omnibus guidelines as of April 15, ang gatherings sa parehong labas at loob ng pamamahay ay mariing ipinagbabawal sa ilalim ng enhanced community quarantine, modified ECQ, at general community quarantine.

Read More:  Suspended classes on July 18: Crising’s rains prompt school closures in 10 towns and cities across Luzon and Visayas

Pero ang mga ito naman ay pinapayagan sa 50% ng venue capacity para sa modified GCQ areas.

Samantala, ang mga pagtitipon naman para provision ng state services at authorized humanitarian activities, ay pinapayagan sa ilalim ng lahat ng community quarantine classifications. // MHEL PACIA