Hiniling na ng Bureau of Immigraton sa Philippine Statistics Authority ang impormasyon ng lahat ng Pilipinong nag-avail ng late registratuon at nabigyan ng certificate of birth.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman tansingco, ang datos na ito ay gagamitin para ma-cross-check kung ang mga indibidwal na ito ay nabigyan o gumamit ng Philippine passport.
Sabi pa ng opisyal , kailangan agapan ang ganitong “scheme” dahil maituturing itong national security.
Ang hakbang ng BI ay kasunod ng pagkakadiskubre ng NBU ng nasa 200 fake birth certifcates na karamihan ay inisyu sa mga Chinese nationals ng civil registry sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Hiniling na ng ahensiya sa NBI ang mga pangalan at iba pang detalye ng mga pekeng birth certificates.