Kumpiyansa ang Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police na mahuhuli si Apollo Quiboloy at 4 pang kapwa akusado nito.
Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos Jr., gagamitin nila ang lahat ng resources ng pamahalaan para mahuli si Quiboloy.
Aniya, lumiliit na ang Pilipinas para sa kanila.
Pinaghahanap ang mga ito ng mga awtoridad dahil sa kasong Child Abuse at Qualified Human Trafficking. May alok na rin pabuya sa makakahanap sa mga ito.
Naniniwala rin si Abalos na nananatili sa bansa si Quiboloy.
Muli rin nanawagan ang opisyal kay Quiboloy at iba pang pugante na sumuko na at harapin ang kanilang kaso.
Bago ito, ipinresenta knainang umaga sa Kampo Crame ang isa sa kapowa akusado ni quiboloy na si Paulene Canada.
Naaresto si Canada kahapon ng hapon sa isang subdivision sa Davao City sa bisa ng warrant of arrest.
Bago ito naaresto, isang hindi nagpakilalang caller ang tumawag sa hotline ng Regional Investigation and Detective Management Division ng Police Regional Office 11 na nagbigay ng impormasyon na may nakita siyang babae na kamukha ng nasa litrato sa wanted poster na may reward na 1 milyong piso.