Digital contract tracing system ipinapatupad na rin sa LGU- Basud

CAMARINES NORTE- Ipinapatupad na rin ngayon ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang digital contact tracing system.

Sa pamamagitan ng isang Memorandum, ipinag utos ni Mayor Adrian Davoco sa lahat ng Municipal Officials, Regular at Job Order employees at National Agencies Personnel na gamitin ang Staysafe.Ph digital contract tracing system upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ay bilang pagtalima sa panawagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang mga LGUs, establisimyento, at ang general public na gamitin ang naturang mobile app.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang StaySafe. Ph ay ang official contact tracing online application ng DILG at Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases bilang isa umanong epektibong pamamaraan para masiguro ang mabilis, consistent at unified contact tracing, health condition reporting at social distancing system sa bansa.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kaugnay nito ang lahat ng mga nabanggit na empleado ay inaatasang i- scan ang QR Code na nakapaskil sa ENTRY at EXIT points ng mga opisina ng LGU bago pumasok at sa paglabas dito.

Maging ang mga kliyente na papasok sa Municipal Building ay required din itong gawin sa pamamagitan ng proper guidance ng LGU Personnel sa Information Desk.

Kung wala namang android phone ay isusulat ng mga papasok sa gusali ang kanilang pangalan at iba pang kinakailangang impormasyon sa logbook.