DICT Cam Sur, muling nagpaalala sa publiko kontra text/call scam

CAMARINES SUR – Muling nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Camarines Sur laban sa mga naglipanang text at call scams, sa kabila nang mandatory sim card registration.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga, sinabi ni Ralph Spencer Talagtag, ang DICT Cam Sur, Project Development Officer, inabisuhan nito ang publiko na lumapit sa telcos sakaling mabiktima sila ng mga scam.

Read More:  Parked SUV hit by gunfire in Kidapawan City

Dagdag pa nito, dapat rin maging self-aware ang publiko sa mga impormasyong natatanggap, i-assess kung tama at totoo ang laman ng text at tawag, at hindi basta-basta maniniwala rito.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

“Syempre dapat sa sarili natin, dapat meron pong effort na i-check muna natin bago tayo makipagtransaksyon,” ani Talagtag.