DFA, naghain pa ng isang protesta kontra sa mga Chinese vessels sa WPS

Muling naghain ang Pilipinas ng protesta kontra sa China matapos ang mga panibagong insidente ng paglabag ng mga Chinese vessels sa ruling sa West Philippine Sea.

Ito ay isang araw lamang makalipas ang isa pang protesta ng Department of Foreign Affairs dahil sa daan-daang Chinese ships na namataaan sa Julian Felipe Reef.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Sa bagong protesta na inihain ng DFA, nakasaad dito ang ilang mga insidenteng nangyari sa Ayungin Shoal kabilang na ang iligal na pangingisda ng China; paglalagay nito ng mga boya sa ating teritoryo; pananakot ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda; at paglalagay ng mga fish nets para maharangan ang entrada ng Ayungin.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Muling iginiit ng DFA na dapat respetuhin ng mga partido ang inaward sa Pilipinas na exclusive economic zone.

Iginiit ng ahensya na walang karapatan ang China na gawin ang mga iligal na aktibidades nito sa loob ng ating teritoryo.
#