OWWA – tiniyak ang tulong sa naulila ng tatlong OFWs na nasawi sa sunog sa Kuwait

Hawak na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang status ng 11 Pilipinong apektado ng sunog sa Kuwait.

Batay sa impormasyon ng ahensya, 2 pa ang nasa ICU; 1 ang na-ospital pero na-discharge na; 5 ang ligtas; habang 3 ang nasawi.

Ang pangalan ng mga nasawi ay sina Jesus Oliveros Lopez, isang iron worker; Edwin Petras Perilla, quantity surveyor; at Jeffrey Fabrigas Catubat, document controller.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, sinabi nitong employers ang sumasagot sa pagpapagamot ng mga apektadong Pilipino.

Sa kabila niyan, ano man daw ang kailanganin pa ng mga OFWs, nakahanda sila para rito.

Sa huli, tiniyak ng OWWA ang assistance sa kaanak ng mga OFWs na nasawi sa sunog.

Kabilang na rito ang educational aid sa kanilang mga naulila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *