LTFRB, palalawakin ang service contracting program sa jeepneys at UV Express

Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang service contracting program nito sa iba pang uri ng public utility vehicles sa gitna ng sunod-sunod na oil price hikes.

Sinabi ni LTFRB executive director Maria Kristina Cassion na palalawakin ang coverage ng programa para maisama rito ang jeepneys, UV express at ang iba pang uri ng transportasyon.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Ipinunto ni Cassion na tumaas ang budget ng ahensya mula P3 billion noong 2021 papunta sa P7 billion ngayong taon.

Sa kasalukuyan, mga drivers lamang ng public utility buses ang saklaw ng programa.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Mababatid na maaring makatanggap  ang mga operators at drivers na magpapartisipa sa free ridership program ng gobyerno ng one-time payout na aabot sa P4,000 at weekly payments na base sa kilometrong naibabyahe kada linggo, meron man o walang pasahero.