Programang ‘Eye Got You’ ng Brigada Eskwela inilunsad sa Daraga National High School

Legazpi City- Itinuturing na isa sa mga dahilan kung bakit may mga mag-aaral sa Daraga National High School (DNHS) na nahihirapang magbasa ang deperensya sa mata, base sa kanilang assessment sa mga mag-aaral.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa Principal ng DNHS na si Lourdes Bigcas, isa sa kanilang programa sa Brigada Eskwela, Brigada Pagbasa ay ang ‘Eye Got You’.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Aniya ang programang ito ay layong mabigyan ng pangunahing serbisyo sa mata tulad ng check-up at salamin ang mga mag-aaral.

Dagdag pa niya naging possible ang programang ito sa tulong ng Legazpi Eye Center.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Samantala sinabi rin ni Bigcas na hindi man nila malalahat na bigyan ng solusyon ang mga problema tulad nito ay ginagawan nila ito ng paraan sa tulong narin ng Legazpi Eye Center, mga magulang, guro, at iba pang mga stakeholders sa paaralan.