Legazpi City-Planong magsagawa ang Commission on Population and Development Bicol ng post valentine webinar kasabay sa ika 53 taong anibersaryo ng ahensya.
Ayon kay Josephine Chua, planning officer IV ng POPCOM-Bicol, pinaplantsa pa ang nasabing programa kung saan itoy ikalawang bahagi ng matagumpay na Pre- Valentine webinar na may temang Young Love, Understanding and Navigating Teen Romance.
Kung matatandaan nagdiriwang ngayon ang nasabing tanggapan ng ika 53 taon na nabuo sa ilalim ng R.A. 6365 kung saan itinalaga ang POPCOM bilang central policy making, planning and coordinating body para sa population program ng bansa.