DepEd Secretary Sonny Angara, nanumpa na kay Pangulong Marcos

Nanumpa na sa harap ni Pangulong Bongbong Marcos ang bagong DepEd Secretary na si Sonny Angara.

Ginanap ang panunumpa ni Angara sa Palasyo ng Malacañang.

Kasama nito ang kanyang ina na si Gloria.

Ayon kay Pangulong Marcos, nagkaroon na sila ng talakayan ni Sec. Angara upang magkaroon ng malinaw na ideya kung ano ang mga dapat gawin.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Tiwala rin ang Presidente na alam ni Angara kung ano ang mahalagang dapat pagtuunan ng pansin sa Kagawaran at kung paano ito isasakatuparan.

Read More:  5 senators urge Bato to face ICC without Senate cover

Sa panig naman ni Secretary Angara, nagpasalamat ito sa tiwala at iniatang na responsibilidad.

Tiniyak rin nitong makikipag tulungan kay Pangulong Marcos upang isakatuparan ang mga kinakailangang reporma sa DepEd.

Nabatid na pinalitan ni Angara si Vice President Sara Duterte, matapos itong mag resign bilang kalihim.