NAGA CITY – Natanggap na ng kanya-kanyang opisina ng LGU-Naga ang mga kahilingan ng mga guro at ng kanilang mga school heads ang lahat ng kahilingan bilang paghahanda sa mangyayaring Brigada Eskuwela kaugnay pa rin sa paparating na school opening ngayong 2024-2025.
Ito ang kinumpirma ni City Administrator Elmer Baldemoro bilang patunay na tuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa taunang programang ito ng Department of Education, na ayon sa opisyal ay pinoproseso na ang approval ng lahat ng mga request.
Sa kanyang pagharap sa media, sinabi niya sa Brigada News Fm Naga, kabilang sa pinopondohan nila ang Brigada Eskuwela para matiyak na maipapatupad ang anumang mga programa at aktibidad sa mga paaralan na benipisyaryo ang mga estudyante, lalo na iyong nasa pampublikong paaralan sa lungsod.