Metro Manila – bantay-sarado para sa SONA

Wala pa ring namo-monitor na seryosong banta ang mga kapulisan para sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay NCRPO director MGen. Jose Melencio Nartatez Jr. – sinabi nitong nananatili pa ring mahigpit ang seguridad sa buong Kamaynilaan.

Read More:  Sison rebukes Ligutan over ‘misleading questions’ post in impeachment trial

All-set na rin umano ang kanilang plano, maging ang mga contingency plans ng kapulisan.

Nilinaw din nito ang dahilan kung bakit nadagdagan pa ng isang libo ang police deployment mula 22,000 ay nadagdagan ito sa 23,000.

Read More:  Habagat toll: 15 reported dead, 13 injured and 6 missing across Philippines

Ayon kay Nartatez, mayorya naman kasi sa mga ito ay naka-on-standby na talaga, at mayroon ding mula sa iba’t ibang mga ahensya at units.