DFA: sumusunod ang Pilipinas sa ‘One-China policy’

Muling tiniyak ng Gobyerno ng Pilipinas na sumusunod pa rin tayo sa tinatawag na ‘One-China Policy’.

Ito ay makarang batiin ni Pangulong Bongbong Marcos ang bagong halal na Taiwanese leader na si Lai Ching-te.

Read More:  Rep. Benny Abante again challenges VP Sara Duterte to face impeachment trial

Sa isang statement, nilinaw ng Department o Foreign Affairs na ang naging social media post ng Pangulo ay tanging pagbati lamang sa Taiwanese president-elect.

Isa rin umano itong pasasalamat sa Taiwan para sa pagho-host ng ating mga kababayang nagta-trabaho doon; at sa pagkakaron ng matagumpay na democratic process.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Kung maaalala – sa huling datos ng DFA ay mayroong humigit-kumulang 200,000 na mga OFWs sa Taiwan.