Deped, opsyon rin ang Sept para sa pagbubukas ng klase ngayong school year

Ikinokonsidera rin ngayon ng mga opisyal ng Department of Education ang pagbubukas ng klase para sa susunod na school year, sa Setyembre.

Ayon kay Department of Education Undersecretary Diosdado San Antonio, ito ay kabilang sa kanilang maraming opsyon, habang ang pinal na desisyon ay nasa kamay parin naman umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Mababatid na sa August 23 ang unang iminungkahi ng Deped bilang pagsisimula ng pasukan para sa school year 2021-2022.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sa oras na ito ay maaprubahan, mapapaiksi ang summer vacation sa anim na linggo nalang, sa halip na walo. // MHEL PACIA