DepEd nasa assessment process pa hinggil sa posibilidad na buksan na ang face to face classes sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education (DepEd) na nasa proseso pa ito ngayon ng pagsasagawa ng survey gamit ang assessment tool hinggil sa posibilidad na buksan na rin ang limited face to face classes sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang inihayag ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo sa maikling mensahe sa Brigada News FM Daet nang matanong kung may eskwelahan na sa lalawigan na posibleng makasama sa expanded pilot implementation ng face to face classes.

Ayon kay Guemo, sa inisyal na assessment ay marami sanang eskwelahan ang gusto nang magpatupad ng limited face to face classes sa lalawigan pero pagdating sa assessment tool ay na “eliminate” kahit yaong identified school para sa pilot implementation.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Una nang inihayag ni Guemo na kailangan ang ibayong paghahanda sakaling magsimula na ang expanded implementation ng limited face to face classes.

Importante umanong mayroong orientation ang mga magulang at estudyante bago ito simulan at maghanda ng communication plan ang mga eskwelahan.

Kailangan din umano na mayroong contignecy plan ang mga eskwelahan upang alam ng mga ito ang gagawin sakaling mayroong guro o estudyante na magpositibo sa COVID- 19.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Iminungkahi rin nito na kung kaya lang din naman ng pondo ng mga paaralan ay mas mainam kung magpagawa ito ng information and communication materials upang palaging napapaalalahanan ang lahat sa pagsunod sa health protocols at safety.

Ito na rin daw ang magsisilbing bibliya o reference ng mga magulang at estudyante dahil nakapaloob na sa IEC materials ang mga gagawin at susundin sa pagpasok sa eskwela