CAMARINES NORTE- Nakipagpulong ang kapulisan sa mga Purok leader sa iba’t—ibang Barangay ng Capalonga nitong mga nagdaang araw.
Isinagawa ang dalawang araw na pagpupulong na nagtapos noong Martes, November 16 na inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.
Katuwang ng Capalonga Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ Herculano Mago Jr, officer- in- charge, ang 4th Platoon ng Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company.
Sa serye ng mga pakikipagpulong ay napanatili umano ang seguridad, kaayusan, at social distancing at iba pang tagubilin ukol sa minimum health protocols mula sa simula hanggang matapos ang nasabing aktibidad na binuksan noong Nobyembre 15, sa Barangay Mataque.
Ayon sa Capalonga MPS, bahagi ito ng pagpapakita na prayoridad nila ang pagpapanatitli ng kaayusan at kapayaan sa kanilang nasasakupan at pagpapalakas ng ugnayang panlipunan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Makakaasa rin umano ang publiko na ang Camarines Norte Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL Julius Guadamor ay hindi titigil sa pagbibigay ng serbisyo at protekyon sa mga mamamayan upang mapanatiling mapayapa ang bawat bayan dito sa probinsya.
