CAMARINES NORTE- Nangunguna pa rin ang bayan ng Daet sa may pinakamaraming naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte
Sa ipinalabas na report ng Daet Emergency Operations Center, pumapalo na sa 944 ang naitatalang kabuuang kaso ng sakit kung saan 172 ang aktibong kaso mula sa bilang ito 93 ang nagpositibo sa RT-PCR habang 79 ang nagpositibo sa Rapid antigen Test
Habang nasa 799 naman ang bilang ng mga nakarekober na sa sakit at 246 naman ang under monitoring ng EOC.
Samantala, pumapalo na sa 52 ang mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19


Sa summary per COVID-19 cases sa mga barangay, ang may pinakamataas na bilang ng naitalang nasawi ay ang Barangay Alawihao na may 6 at Brgy Lag-on na may 5 kaso
Sinundan ito ng tig-a-apat na kaso na naitala sa mga barangay ng I, VIII, Camambugan, Gubat at Magang
May tig-3 kaso naman ang naitala sa Brgy III at Gahonon, tigda-dalawang kaso naman ang mga Barangay ng II, V, Bagasbas, Cobangbang at Mancruz
Samantala, may tig-i-isang kaso ng pagkasawi ang IV, Bibirao, Borabod at Mambalite
Zero death case naman ang mga Barangay VII, Awitan, Calasgasan, Dogongan, Pamorangon at San Isidro
