DepEd nais nang tuldukan ang practice na pagturuin ang mga guro sa mga subject na hindi nila expertise

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Department of Education (DepEd) na nais na nitong matuldukan ang practice lalo na sa mga pampbulikong eskwelahan na pagturuin ang guro sa subject na hindi naman nito expertise.

Ayon kay Administrative Officer V at Information Officer Antonio Ahmad ng DepEd Camarines Norte, ito ngayon ang direksyon ng Division Office sa pamununo ni Schools Division Superintendent Crestito Morcilla.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Aniya, nais matiyak ng kasalukuyang liderato ng SDO na mailagay ang mga guro sa dapat nitong kalagyan at ituro lang ang subject na expertise nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa katunayan, bago umano nag- aapoint ng guro ay tinitingnan na muna ng SDO kung ano ang pangangailangan ng mga eskwelahan.