Nabiktima ang Pop Superstar na si Taylor Swift ng artificial intelligence o AI.
Ito’y matapos kumalat ang mga AI-generated na larawan ni Taylor o mas kilala sa katagang “deep fake.”
Hindi na bago ang pekeng maseselang larawan ng mga sikat na personalidad ngunit dahil sa AI, mas napapadali ang paggawa ng deepfake at mas mukhang kapani-paniwala.
Dahil dito, nagpa-trend ang mga Swifities o mga ang mga fans ni Taylor ng #ProtectTaylorSwift sa social media.
Nagbigay rin ng reaksyon si White House Press Secretary Karine Jean-Pierre kung saan sinabi niya na ito ay nakaka-alarma dahil isa itong pag-atake sa kababaihan.
