Pang. Marcos giniit na walang halong politika ang ikinakasang bagong Pilipinas

Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang pamumulitika at walang hidden agenda sa ikinakasang Bagong Pilipinas campaign ng kaniyang administrasyon.

Layunin lamang umano nito na maglatag ng mga planong dapat makamtan para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sinabi rin ng Pangulo na ang Philippine Development Plan, ay isa sa mga batayang dokumento kung saan hinango ang Bagong Pilipinas, ang bagong brand of governance.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Dagdag pa ni Marcos na ang Bagong Pilipinas ay naglalatag ng mga mithiin na dapat na makamtan upang mapabuti ang kinabukasan ng bayan.