Mga Pilipinong mangingisda, patuloy na hinihikayat ng AFP na mangisda sa Bajo de Masinloc

Muling hinikayat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga Pilipinong mangingisda na huwag matakot na pumalaot sa Bajo de Masinloc.

Ito’y sa gitna ng presensya ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Read More:  Banga shooter planned attack since August, told friends to go home

Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, sa ngayon, wala naman silang report ng harassment na natatanggap mula sa mga mangingisda doon.

Read More:  3 dead, 6 injured in Banga National High School shooting; Grade 11 suspect among fatalities

Kasunod nito, kanyang sinabi na bagaman hindi nakikita sa surveilance ay patuloy naman nagpapatrolya ang mga barko ng Navy sa Bajo de Masinloc.

Pagtitiyak nya, mananatiling tapat ang AFP sa kanilang mandato na protektahan ang teritoryo ng bansa.