DepEd Camarines Norte nanawagan ng volunteer para sa Brigada Pagbasa

CAMARINES NORTE- Nanawagan ang Department of Education (DepEd) Camarines Norte ng mga volunteer para sa implementasyon ng Brigada Pagbasa ngayong School Year 2022- 2023.

Alinsunod ito sa DepEd Memorandum Order No 62 series of 2022 at Regional Memorandum No 98 at 105 series of 2022.

Batay sa Division Memorandum No. 100 series of 2022 ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo ang mga Brigada Pagbasa volunteer ay maaaring pumili sa limang option tulad ng Volunteer Tutor, Volunteer Reader/Teller, Volunteer Book Donors, Volunteer Support at Volunteer LGU.

Magkakaroon ng Brigada Pagbasa Orientation sa September 27, 2022 sa ganap na alas 8 ng umaga at ang host ay ang Legazpi City Division.

Maaari na ring mag register online sa ibinigay na link ng DepEd.

Maaari ding magtungo ang nagnanais mag volunteer sa choice nitong eskwelahan at ang concerned school na ang magpa- facilitate sa online registration.

Ang mga volunteer tutor na teacher- applicant ay bibigyan ng corresponding points for relevant teaching experience katumbas ng number of months na serbisyo alinsunod sa DepEd Order No. 7 series of 2015 para sa Hiring ng Teacher I position for Elementary and Junior High School.

Inaatasan naman ang mga District Supervisor, school head, Brigada Eskwela at Brigada Pagbasa Coordinators, teaching and non- teaching staff na suportahan ang programa sa pamamagitan ng pag organisa at pagawa ng advocacy campaign materials mapa- online man o offline platforms.

Ang Brigada Pagbasa ay isang after- school, community- based literacy program na naglalayong pag isahin ang education partners, experts at volunteers para tulungan ang mga estudyante na magbasa at maging functionally literate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *