DepEd Camarines Norte naglunsad ng Simultaneous Division Wide Tree Planting sa pagbubukas ng National Disaster Resilience Month

CAMARINES NORTE- Naglunsad ang Department of Education sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon ng Simultaneous Division Wide Tree Planting, sa pagbubukas ng National Disaster Resilience Month.

Pinangunahan ito ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo, ASDS Maria Flora  Pandes  at iba pang matataas na opisyal ng Division Office.

Ayon sa Executive Order No. 29 idinedeklara ang buwan ng Hulyo bilang National Disaster Resilience Month (NDRM), at ngayong taon ay merong temang “Tamang Pamamahala’t Kahadaan, Kaalaman at Pagtutulungan sa Sakuna at Pandemya’y Kalasag ng Bayan”.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Sa pamamagitan nito inaanyayahan ang lahat ng mga Pilipino na makiisa sa pagdiriwang na ito sa pagsagawa ng mga aktibidad patungkol sa katatagan sa kalamidad o disaster resilience, na sumasakop sa apat na paksang : Prevention and Mitigation, Preparedness, Response and Rehabilitation, and Recovery.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Disaster Resilience Month, ang DepEd Regional Office ay naglunsad ng programa na tinaguriang “One Employee, One Tree/Bawat Guro, Isang Puno.