Dalawang bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa Mercedes

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Dahil dito, umaabot na ngayon sa 47 ang kabuuang kaso ng sakit sa naturang bayan batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan.

Ang bagong nagpositibo sa sakit ay si Bicol No 17824, isang 32 anyos na lalake mula sa Barangay 3.

Wala itong travel history at hindi alam kung paano nakuha ang sakit.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Unang nakaranas ng sintomas ang pasyente noong June 20. Dalawang araw ang nakalipas ay nagpakunsulta ito sa doktor.

Isinailalim ito sa RT- PCR test noong June 29 at kahapon ay lumabas ang resulta na positibo ito sa sakit.

Ang isa pang bagong nagpositibo sa sakit ay si Bicol No 17828 isang 70 anyos na babae mula naman sa Barangay Del Rosario na mayroon comorbidity dahil sa hypertension.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Unang nakaranas ng pananakit ng ulo, pagsusuka at nawalan ng panlasa noong June 23 at sa araw ding ito mismo ay nagpakunsulta sa doktor.

Lumabas ang resulta na positibo sa sakit ang pasyente kahapon.

Sina Bicol No 17824 at 17828 ay kapwa naka isolate sa Municipal Isolation facility ng naturang bayan.