BICOL – AABOT na sa mahigit 330,000 ang bilang ng mga learners sa Bicol na nakapagtala sa extended early registration ng Deped para sa school year 2021-2022.
Sa pinakahuling report ng Deped-Bicol, mayroon nnang kabuuang 325,287 na mga learners ang nag enroll sa kindergarten at grades 1,7 at 11 sa ibat ibang mga pampubliko at pampribadong eskwelahan sa rehiyon.
Sa bilang na ito, pinakamarami ang nairehistrong enrollees sa Grade 1 na nasa 107,062, sinundan ng Grade 7 na may 78,043 enrollees, 74,139 sa Grade 11 at may 70,220 naman sa kindergarten.
3,895 naman sa kabuuang 3,913 na mga public elementary at secondary school sa rehiyon ang nakiisa sa pre-registration activity o katumbas ng 99.62% na participation percentage.
Labingdalawa rin sa labingtatlong mga mga Schools Division Offices sa rehiyon ang nagkamit na ng 100% sa kanilang target.
Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ngayon ng Deped-Bicol sa mga magulang at guardians na samantalahin ang gawain ito upang maipatala ang mga anak at wag nang maghintay pa ng deadline.
Nauunawaan umano ng ahensya ang pangamba at agam agam ng publiko subalit ang pakikiisa sa mga gawain tulad ng maagang pagpapatala sa mga learners ay pagtitiyak na rin ng ‘right to education’ ng bawat bata lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Matatandaan na naka schedule na sanag magtapos ang early registration ng Deped noong Abril a-30 subalit napagpasyahang i-extend upang makapag accommodate pa ng mas maraming enrollees ng hanggang katapusan ng kasalukuyang buwan.
