CAMARINES NORTE- Tatlong babae ang nahuli sa akto habang gumagamit ng iligal na droga ng mga operatiba ng Jose Panganiban MPS nitong Mayo 20, 2021 dakong alas 4:00 ng hapon sa Purok 3B, Barangay Calero, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ito ay bunsod sa impormasyong ipinaabot ng isang concerned citizen sa naturang himpilan ng pulisya kung saan diumano ay mayroong kasalukuyang “pot session” na nagaganap sa bahay ng isa sa mga suspek.
Agaran namang tumugon ang mga operatiba ng Jose Panganiban MPS at pinuntahan ang nasabing lugar at nakipag-ugnayan sa mga opisyales ng barangay at media
Ang mga suspek ay nakilalang sina ROWENA ALFEREZ y Teloza, 52 anyos at residente ng Purok 2, Barangay South Poblacion, Jose Panganiban, LEONOR IMPERIO y Cariῆo, 49 anyos, residente ng Purok 3B, Barangay Calero, Jose Panganiban, at LORNA IMPERIO y Cariῆo, 28 anyos, residente ng Purok 3B, Barangay Calero, Jose Panganiban,



Nakumpiska at narekober sa mga nabanggit na kababaihan ang isang (1) piraso ng Green Lighter, isang (1) piraso ng nakarolyong aluminum foil na may residue ng hinihinalang shabu, isang (1) pirasong crumpled aluminum foil na may residue ng hinihinalang shabu
inihahanda na ngayon ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS ang mga kaukulang dokumento para sa pagsampa ng kaso laban sa mga suspek.
(Photo courtesy of: CNPPO Pulis Bantayog)

