Deped-Bicol, kabilang sa gagawaran ng prestihiyosong KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2021

BICOL – NAKATAKDANG tumanggap ang Kagawaran ng Edukasyon sa Bicol kasama na ang 31 ahensiya at LGU ng prestihiyosong KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2021 bilang pagkilala sa mahusay na paggamit ng Filipino ngayong panahon ng pandemya.

Kinikilala ng nasabing parangal ang mga ahensiya at LGU na tumatalima sa EO 335 na humihimok sa lahat ng mga kagarawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentalidad ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa taong ito, nakatuon ang KWF sa naging pagkilos ng mga ahensiya at LGU sa paggamit ng Filipino sa panahon ng pandemya kung saan may apat na antas ang parangal.

Sa unang antas, kabilang sa mga ahensyang tatanggap ng Selyo ang DBM, DAR, DOST, MTRCB, OPAP, JRMMC, Bayan ng Orion, Lungsod Parañaque, Lungsod Valenzuela, at Museo ng Pasig.

Para naman sa ikalawang antas, nakasama ang DA, DOLE-BWSC, DOT, DENR, DepEd Central, DepEd Rehiyon V, DILG, MIAA, PCOO, PAF, at Bayan ng Marilao.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa ikatlong antas ang DSWD, MMDA, QMMC, RMC, at Lungsod Sta. Rosa; habang sa ikaapat na antas ang CFO, Lungsod Mandaluyong, Lungsod Maynila, at Lungsod Taguig.

Isasagawa ang parangal sa pagtatapos ng Buwan ng Wika sa Agosto a-31, kung saan maaari itong mapanoood via online sa ganap na ika-9 hanggang ika-11 ng umaga.