Pfizer at karagdagang Sinovac COVID- 19 vaccine dumating sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Dumating noong Miyerkules sa lalawigan ng Camarines Norte ang unang batch ng  Pfizer COVID- 19 vaccine.

Diretso sa cold storage facility ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ang nasa 390 vials ng naturang brand ng bakuna na personal na sinaksihan at tinanggap ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco at iba pang kawani ng ospital.

Maliban sa Pfizer kasabay din nitong dumating sa lalawigan ang karagdagang 23,000 doses ng Sinovac.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon kay Francisco “equally allocated” lagi sa bakuna ang iba’t- ibang pasilidad.

Dahil sa mga dumating na bakuna, magtutuloy- tuloy ang bakunahan sa lalawigan sa layuning mas marami pa ang mabakunahan kontra COVID- 19.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa harap na rin ito ng patuloy na banta ng Delta variant na mas makabilis makahawa.

Sa ngayon, wala pang kumpirmadong kaso ng Delta variant sa lalawigan pero mayroon nang tatlong kaso ng Beta.

Batay sa pinakahuling vaccine statistics report ng Department of Health, nasa 76, 261 na ang natanggap na doses ng bakuna ng lalawigan.

Sa bilang na ito 94 % ang nabakunahan na ng first dose habang 39 % naman ang naturukan na ng second dose.