DepEd 12, kulang ng higit sa 8,000 na mga classrooms

KORONADAL CITY- MAHIGIT sa isang milyong mga mag-aaral ang dumagsa sa iba’t ibang mga paaralan sa Soccsksargen region sa pagbubukas ng klase.

Ito ang inihayag ni Department of Education o DepED 12 OIC Assistant Regional Director Kathrine Lotilla batay sa Learner Information System o LIS.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Ngunit ayon kay Lotilla na ito ay madadagdagan pa dahil on-going pa ngayon ang encoding sa LIS at enrollment ng mga estudyante.

Nasa 1,163,839 enrolees ang target ng DepEd 12 ngayong School Year 2023-2024.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Samantala, magpapatupad naman ang DepEd 12 ng class shifting bilang solusyon sa kakulangan ng mga classrooms.

Nasa 8,275 ang classroom shortages sa rehiyon.

May P 3 billion na na alokasyon ang departamento para sa pagpapatayo ng 1,187 na mga silid-aralan.