Nasungkit ng Denver Nuggets ang kauna-unahang NBA championship sa franchise history matapos ang halos limang dekada.
Tinalo ng Nuggets ang Miami Heat sa Game 5 nang NBA Finals sa score na 94-89.
Sumandal ang Nuggets sa matinding depensa para angkinin ang unang titulo sa loob ng 47-taon simula nang sumali sa liga.

Humakot si Nikola Jokic ng 28 points at 16 rebounds habang 30 combined points naman naiambag nina Jamal Murray at Michael Porter Jr.
Sinubukan pa ng Miami na makabalik sa laro matapos ang back-to-back threes ni Jimmy Butler kung saan nakalamang pa ito ng isa, 89-88 sa huling dalawang minuto ng laro.
Subalit agad din nabawi ang kalamangan sa pamamagitan ng lay-up ni Bruce Brown hangang sa tuluyan nang lumayo ang Denver.
Hinirang bilang Finals MVP si Nikola Jokic na nagtala ng record breaking performance sa kabuoan ng serye.