Denver Nuggets, 1 panalo na lang para maabot ang NBA finals

Isang panalo na lang layo ng Denver Nuggets para maabot ang NBA finals sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng franchise.

Nakuha ng Nuggets ang 119-108 road victory laban sa Los Angeles Lakers kanina.

Umiskor si Jamal Murray ng 30 sa kanyang 37 puntos sa first half at iginiit ng Denver Nuggets ang kontrol sa Western Conference finals.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Umiskor naman si Nikola Jokic ng 15 fourth-quarter points para tulungan ang Denver na manguna sa 3-0 sa best-of-seven series.

Read More:  Juan Gomez de Liaño leads Converge’s rout of Macau with triple-double

Samantala, nakuha naman ni James ang 3 sa 9 mula sa 3-point range sa Game 3 at 3-for-19 sa serye.

Ayon sa ilang sports analysts, wala pang koponan sa kasaysayan ng NBA ang nakabawi mula sa 3-0 deficit para manalo sa isang serye.//CA