12 katao patay sa stampede sa isang soccer match sa El Salvador

Umabot na ng 12 katao ang patay sa nangyaring stampede sa soccer stadium sa El Salvador sa Central America ngayong araw.

Naganap ang insidente sa isang laban sa pagitan ng Alianza at Santa Ana-based team sa Cuscatlán Stadium.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Sinubukan umano ng ilandaang tao na pumasok sa stadium na naging dahilan ng stampede.

Read More:  Para swimmer Ariel Joseph Alegarbes secures PH’s second gold in Asian Para Games

Abot sa 100 katao naman ang dinala sa ospital para lapatan ng lunas.

Ayon kay El Salvador President Nayib Bukele, kanilang iimbestigahan ang liga, manager, koponan at lahat ng may kinalaman sa insidente.//CA