Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources na pwedeng pumasok sa Dolomite Beach sa Manila ang mga bata.
Ito ay dahil wala naman ordinansa ang lokal na pamahalaan na nagbabawal sa pagpunta ng mga bata sa lugar.
Mababatid na kasabay ng pagbaba ng Metro Manila sa Alert Level 3 ay patuloy na dumarami ang bilang ng mga pamilya na bumibisita sa Dolomite Beach na makikita sa kahabaan ng Manila Bay.
Samantala, aminado naman si Station 5 Ermita Commander Police Lt. Col. Evangeline Cayaban na nahihirapan sila sa pagtitiyak na nasusunod ng mga bisita ang lahat ng public safety protocols.
