Napasakamay ng Magnolia Hotshots ang panalo sa Game 3 kontra TNT Tropang Giga nang magtapos ang kanilang laro sa 106-98.
Ginanap ang best-of-seven finals ng dalawang kuponan sa Bacolor, Pampanga kung saan nakamit ng Magnolia ang una nitong panalo na dahilan upang malagay sa 2-1 ang standings.
Nanguna si Paul Lee sa panig ng Magnolia na may 21 points habang sumunod naman si Sangalang na nagdagdag ng 20 markers, seven rebounds at five assists.
Naitala naman ng TNT rookie na si Mikey Williams ang pinakamataas na puntos sa buong laro sa kaniyang 39 points, kabilang na ang 56-percent shooting from the field at 55-percent shooting mula sa three-point range.
Ipinunto ng PBA statistician na si Fidel Mangonon na hawak na ni Williams ang record para sa pinakamaraming three-pointers na nagawa sa iisang laro ng isang rookie na umabot sa 10.
Nalampasan niya ang walong three-pointers na ginawa ng kaniyang kapwa rookie na si Calvin Oftana sa maagang bahagi ng kasalukuyang season.
