Nagtalaga ng mga opisyal ang Department of Environment and Natural Resources ng mga matataas na opisyal ng ahensiya para bantayan ang mga aktibidad sa kontrabersiyal na Dolomite beach sa Manila Bay.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda dahil sa pagdagsa ng mga tao naglagay sila ng duty officer kada araw na ang ranggo ay hangang undersecretary ng kanilang ahensiya upang imonitor ang naturang lugar.
Tiniyak din ni Antiporda na inaayos na nila ang sistema sa pagbubukas ng Dolomite beach upang hindi maging COVID-19 super spreader.
Nanindigan naman ang opisyal na walang balak isara ang Dolomite Beach dahil hindi umano patas sa mga Pilipino lalo’t ginastusan ito ng pamahalaan para mapaganda lamang ang lugar at makita ito ng taumba