Pagpapalawak ng COVID-19 vaccination sa mga kabataan sisimulan ngayong linggo -DOH

Ikinokunsidera ngayon ng Department of Health na mas palawakin sa labas ng Metro Manila ang COVID-19 vaccination sa mga kabataan na mayroong comorbidities bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire plano umanong itong isagawa sa Biyernes, Oktubre 29.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa datus ng DOH na sa 9,928 na may edad dose hangang 17-anyos ang nabakunahan as of October 24 ngayong taon.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Sa ngayon sinabi ni Vergeire na walang report ng serious adverse effects sa mga naturukang kabataan.

Magugunitang noong nakaraang linggo na umarangkada ang Phase 2 ng COVID-19 immunization sa mga bata sa 24 vaccination sites sa loob ng Metro Manila.