16 na-rescue sa nasunog na container ship sa Pacific coast ng Canada

Labing-anim na tao ang inilikas mula sa nasusunog na container ship sa Pacific coast ng Canada.

Ayon sa report, naglalabas ng toxic gas ang Zim Kingston bagamat tiniyak naman ng mga opisyal na wala itong peligro sa mga tao na nasa kalupaan.

Patungo sana ng Vancouver ang nasabing barko nang bigla itong masunog.

Napag-alamang inabot ng magdamag ang response vessels para sa cooling ng exterior ng nasusunog na barko pero hindi nila direktang mabugahan ng tubig ang apoy dahil sa pangambang sumiklab lalao ito dahil sa kemikal.

Kinumpirma naman ng Canadian coast guard na naapektuhan na ng sunog ang 10 containers. Isiniwalat din ng coast guard na may kargang 52,000kg ng kemikals ang barko na nakalagay sa dalawang container na nasusunog