Susuriin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kalidad ng tubig sa West Philippines Sea kasunod ng report na umano’y nagtatapon ang Chinese vessels ng human waste sa area.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, kukuha sila ng water sampling sa pinakamalapit na portion ng concerned water territory.
Kaugnay nito, duda si Antiporda kung totoo ang naturang ulat, dahil ang mga materials na itinatapon sa karagatan na makikita sa mga larawan, ay hindi umano kahalintulad ng human waste, sa halip ay oil spill.
Samantala, tutol naman ang opisyal sa panawagan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magsagawa ng imbestigasyon ang gobyerno at maghain ng diplomatic protest laban sa China, lalo’t hindi pa naman umano ito kumpirmado.
Sa gitna nito, sinabi ni Antiporda na susundin nila ang mungkahi ni Senator Risa Hontiveros na magbigay ng baseline report sa natural resources na nasira sa West Philippine Sea, sakaling totoo ang alegasyon. // MHEL PACIA-TRINIDAD
