Nagtala ang Pilipinas ng 3,806 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para lomobo pa ang kabuaoang infections sa 1,485,457.
Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa limang laboratoryo na bigong makasumite ng datos on time.
Ito na ang ikalawang araw kung saan hindi bababa sa 4,000 ang mga naitalang bagong infections.
Ayon sa Department of Health (DOH), lalo pang bumama ang bilang ng active cases sa 44,408, dahilan para magtakda ng bagong record para sa pinakamababang active infections simula noong March 09, kung saan 90% ang mild, 3.5% ang asymptomatic, 2.8% ang severe, at 1.7% ang nasa kritikal na kondisyon.
Kaugnay nito, inanunsyo rin ng DOH ang total recoveries na 1,414,817, matapos na makarekober ang 6,296 pang pasyente mula sa respiratory illness, habang 140 naman ang bagong fatalities, dahilan para umakyat ang death toll sa 26,232. // MHEL PACIA-TRINIDAD
