Inihayag ng Malacañang na beneberipika na ng Duterte administration ang mga ulat na may mga Chinese vessels na nagtapon ng dumi ng tao sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, agad silang sasagot sa oras na maberipika na ang naturang impormasyon.
Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na ang presensya ng Chinese vessels sa West Philippine Sea ay agad na ikonsiderang “act of aggression.”
Batay sa US-based expert, ang human waste at sewage mula sa daan-daang Chinese ships na naglalayag sa South China Sea at ibang bahagi ng West Philippine Sea ay nagdudulot ng massive marine damage sa resource-rich waters.
Mababatid na ibinunyag ni Liz Derr, founder at CEO ng Simularity, na may specialization sa geospatial analysis at nagbibigay ng satellite data imagery, na nagtatapon ang mga Chinese ships ng raw sewage araw-araw sa loob na ng maraming taon sa reefs, dahilan ng harmful Chlorophyll-a blooms sa karagatan. // MHEL PACIA-TRINIDAD
