DENR, hiniling ang P1.6B para sa Manila Bay rehab

Umaasa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makapaglaan ng P1.6 billion mula sa kanilang 2022 budget para sa Manila Bay rehabilitation, na magpopondo rin sa kanilang kontrobersiyal na “white sand” project.

Kaugnay nito, iprenesenta ni Environment Secretary Roy Cimatu ang panukalang P25.295 billion budget ng kanyang departamento sa budget hearing ng House Committee on Appropriations.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Batay sa kanyang presentasyon, ang P1.6 billion na alokasyon ay gagamitin para sa iba pang programa, gaya ng paglilinis ng mga drainage, relocation activities, at kontruksyon ng iba pang imprastuktura.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Samantala, sinabi naman ni Undersecretary Jonas Leones sa komite na batay sa assessment ng DENR, P43 billion at ang involvement ng iba pang mahahalagang ahensya ang kinakailangan para lubusang ma-rehabilitate ang Manila Bay.

Inamin rin nito na aabutan pa ng ilang taon bago maibalik sa maayos na kondisyon ang waterway.