Dennis Padilla maagang bumati sa kaarawan ni Julia Barretto

Maagang binati ni Dennis Padilla ang anak na si Julia Barretto.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng komedyante ang mga throwback photos kasama ang kanyang anak para ipagdiwang ang okasyon.

Ang unang larawan ay nagpapakita sa kanila sa pagtatapos ng high school ni Julia, habang ang kanyang pangalawang post ay nakikita siyang isang flower girl.

“Julia…. Time flies talaga… Advance happy birthday… Love you anak,” batay sa caption ni Dennis.

Ang aktwal na kaarawan ni Julia ay sa Marso 10.

Nitong December lang, sinabi ni Padilla na nasa proseso na sila ni Julia para muling mabuo ang kanilang relasyon.

“Okay naman, although siyempre para kang nagsimula ulit. Galing kami sa misunderstanding so now nagsimula pa lang kami. One step at a time, i-build up ulit,” ayon kay Dennis.