Binuhat ni Brooklyn Nets guard Kyrie Irving ang kanyang koponan matapos itong humakot ng season-high 50 points sa 132-121 panalo laban sa Charlotte Hornets.
Sinimulan ni Irving ang laro ng maayos at bumuslo ng 15-for-19 field goal kabilang na ang 9-for-12 mula sa labas ng arko at 11-for-13 mula sa free throw line.
Dinala ni Irving ang Nets sa isang kailangang-kailangan na panalo sa gabi kung kailan umiskor lamang ang star forward na si Kevin Durant ng 14 puntos.
Dahil sa panalo naungusan na ngayon ng Nets ang Hornets para sa ikawalong puwesto sa Eastern Conference at may 33-33 record.
